Sumuko na sa pamahalaan ang tatlong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) na nag-o-operate sa Negros Oriental kamakailan.
Kabilang sa mga sumurender sa mga awtoridad ang isang babae, ayon kay 1st Lt. Bernadith Campeon, acting Civil-Military Operations chief ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ipinaliwanag ni Campeon, ang naturang amasona ay dating platoon medical officer ng nalansag na South East Front (SEF).
Probinsya
Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito
Dati namang squad leader ng Squad 2 ng SEF ang isa sa dalawang lalaking kaanib ng NPA habang ang ikatlo ay dating platoon finance logistic officer ng EF.
Nasamsam sa mga ito ang isang M-16 Armalite rifle, isang magazine, 12 rolyo ng bala, at isang caliber .45 na may pitong rolyo ng bala.
Nagbalik-loob sa pamahalaan ang tatlong rebelde matapos kumbinsihin ng kani-kanilang kamag-anak.
Tiniyak naman ni Campeon, makatatanggap ng cash assistance ang mga tatlong dating rebelde sa tulong na rin ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.