Inamin ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na nahihirapan umano siyang makuha ang buong suporta ng LGBTQIA community sa ginanap na Unkabogable WINNER announcement ng pelikula nila ni award-winning director Jun Lana nitong Biyernes, Abril 19

Sa naturang panayam, tinanong ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe si Vice kung ano ang pakiramdam na siya raw ang missing piece puzzle sa queer film directing journey ni Lana.

“Masaya, flattered. Nakakatuwa. Kasi isyu ko ‘yon, e. Parang problem ko ‘yon sa sarili kong community. Parang I’ve been struggling to get as much sa support sa LGBTQ community,” saad ni Vice Ganda.

“There was a time I felt like hindi ako masyadong sinu-support ng community ko. Mas malaki ‘yong support na nakukuha ko outside of the LGBTQIA+ community,” aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kaya naman, isang malaking bagay daw para sa kaniya na isa siya sa mga nilo-look forward na makatrabaho ng isang Jun Lana. 

“Si Jun Lana ‘yon, e. Sobrang impactful. Kaya sabi ko, ang laki. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-overwhelm, ‘di ba,”  sabi pa ng Unkabogable star.

Matatandaang sa isa ring panayam ni MJ kay Vice Ganda noong Enero ay kinumpirma nito na magkakaroon nga sila ni Lana ng pelikula. 

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Jun Robles Lana gagawa ng pelikula

Ang naturang pelikula ay pinamagatang "And the Breadwinner is..." na kolaborasyon ng Star Cinema at The IdeaFirst.