Nagbigay ng paglilinaw ang Master Henyo na si Joey De Leon kaugnay sa naging pahayag nila ni Tito Sotto sa isang episode ng Eat Bulaga noong Miyerkules, Abril 17.

Sa latest X post ni Joey nitong Biyernes, Abril 19, sinabi niya na hindi raw nila kaaway ang katapat nilang noontime show na “It’s Showtime.”

“Unang-una, hindi namin kaaway ang ‘Showtime.’ ‘Yong ‘Showtime’ matagal na naming kapit-bahay ‘yon. Hind nila kami tinitira, hindi namin sila tinitira,” saad ni Joey.

“Ang pinapatungkulan namin ni Tito noong nagalit kami sa Eat Bulaga e ‘yong mga social media na nagpo-post. Kaya hinamon ko, 15 years kung tatagal ‘yong mga nagpo-post na ‘yon. Hindi ‘Showtime’,” aniya.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Dagdag pa ng Master Henyo: “15 years na nga ‘yong ‘Showtime,’ e. Ba’t ko hahamunin ‘yon? Mahal namin ang ‘Showtime’ dahil kasabayan namin. Dadalawa na lang kami. Huwag n’yo kaming pagsabungin. Magkakaibigan din kami.”

Matatandaang nagsimulang lumutang ang kuwento na magsasara na umano ang “Eat Bulaga” noong ilampaso ito ng “Showtime” sa ratings noong unang araw ng pag-ere nito sa GMA Network.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ nilampaso ang ‘Eat Bulaga’ sa ratings