Hinikayat ng Department of Justice (DOJ) ang mga awtoridad ng Timor-Leste na agad na i-deport o i-extradite si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. matapos umanong tangkaing suhulan ng anak nito ang isang pulis sa naturang bansa.

Ayon sa DOJ, nakatanggap sila ng ulat na nagtangka umano ang anak ni Teves na suhulan ang isang pulis sa Timor-Leste para mabigyan ng special treatment ang dating kongresista.

"Reports said the son of Teves, Jr.  offered a bribe to a member of the Criminal Investigation Police in the amount of $2,000 in exchange for ‘security’ inside and outside Becora Prison, where he is being held while waiting for his extradition or deportation," anang DOJ.

Kasalukuyang nakakulong si Teves sa Timor-Leste matapos siyang arestuhin kamakailan habang naglalaro ng golf.

National

Teves, arestado sa Timor Leste habang naglalaro ng golf – DOJ

Nahaharap ang dating kongresista sa iba’t ibang murder charges dahil sa umano’y pagkasangkot niya sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Matatandaang noong Marso 4, 2023 nang masawi si Degamo, kasama ang walo pang sibilyang nadamay, matapos silang pagbabarilin ng armadong grupo sa harap ng bahay nito sa lungsod ng Pamplona.

https://balita.net.ph/2023/03/04/negros-oriental-gov-degamo-pinagbabaril-patay/