Hindi nakaligtas sa tanong ang tinaguriang “box office lucky charm” na si Joross Gamboa sa recent Barangay Singko Panalo Media Luncheon na ginanap sa TV5 Novaliches, Quezon City.

Alam kasi ng karamihan na pawang tumabo sa takilya ang mga pelikulang nakasama si Joross gaya ng “The Hows of Us” (2018), “Hello, Love, Goodbye” (2019) at “Rewind” (2023).

Kaya naman inusisa ng kasamang entertainment writer na si Gorgy Rula kay Joross dahil nga magiging busy ito sa taping ng “Barangay Singko Panalo” ng TV5 ay malilimit nga ba ang pagtanggap ng movie?

Kagaya ng bali-balitang magkakaroon daw ng part 2 ang “Hello, Love, Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kung saan naroon din si Joross. Recently nga lang din ay pinag-usapan sina Kathryn at Alden sa social media dahil nga present ang huli sa mga special na araw ni Kathryn gaya ng birthday at yung bonggang house blessing ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Kaaliw ang mga naging pahayag ni Joross na dinadaan sa tawa.

“Ano naman lahat naman magagawan ng paraan eh kung ipagkakaloob ng Diyos ay doon tayo.”

Sundot na tanong ay kung may advice na ba kay Joross tungkol sa movie.

“Hindi ko alam. Mapag-uusapan naman natin when we get there naman. Ayaw ko pa namang magsalita depende rin 'yon sa kanila. Wala pa po akong alam masyado. Pokus muna ako dito sa Barangay bilang isang Kagawad.”

Biro nga ng aktor habang napapatawa, mati-tape naman daw ang partisipasyon niya sa “Barangay Singko Panalo” kung gagawin niya ang pelikula. Depende naman daw sabay turo kay Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company na naroon din sa pocket interview at sila rin ang producer bukod sa TV5.

Si Joross (Kags Jo) ang bagong kabilang sa “Barangay Singko Panalo” kasama si Sam Coloso. Kaya pihadong leveled up at riot sa katatawanan ang grupo nina Jerald Napoles (Kags Je), Kayla Rivera (SK K), Bob Jibailey (Boogie) at Ej Gonzaga (Kap Al) na maghahatid ng saya at papremyo na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 pm sa TV5’s TodoMax Primetime Singko, bago magFrontline Pilipinas.