Usap-usapan ang X post ng "Eat Bulaga" host na si Joey De Leon kung saan ibinahagi niya isang video clip mula sa vlog ni "Atong Alamin" tungkol sa pamosong linyang "Acheche" sa tuwing nagbibitiw ng joke, na isa sa mga pinasikat ng TVJ.

"Watched Atong Alamin in YT talk about Acheche," ani Joey.

[embed]https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1779314846888296874[/embed]

Sa video, nagbigay ng halimbawa ang vlogger kung kailan ginagamit ang "Acheche."

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Ginawa niyang halimbawa ang bagong kahulugan daw ng ABS (CBN) at GMA.

Aniya, ang bagong meaning daw ng ABS ay "Ang Bagong Siyete" at ang GMA naman daw ay "Gustong Maging ABS."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Sapantaha ng mga netizen, ang hirit na ito ay pumapatungkol sa kolaborasyon ngayon ng dating magkaribal na network.

Ang latest nga rito, ang pag-ere ng ABS-CBN noontime show na "It's Showtime" sa noontime slot ng GMA Network, na pumalit sa "Tahanang Pinakamasaya" na dating "Eat Bulaga," na eventually ay nasa TV5 na.