Usap-usapan sa X ang pagbura daw ni Kapamilya singer Jed Madela sa promotional poster ng kaniyang upcoming concert na "Welcome to my World" sa Music Museum, sa darating na Hulyo 5, 2024.

Ito ay dahil sa kinuyog daw siya ng netizens na i-boycott ang kaniyang concert dahil sa pagiging tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iniisyu ng mga netizen na sinusuportahan daw ni Jed ang dating pangulo na siyang dahilan daw kung bakit walang prangkisa ngayon ang ABS-CBN, kung saan nagtatrabaho ang singer.

Sa kasalukuyan ay burado na ang X post ni Jed subalit na-screenshot na ito ng ilan at pinupulutan na sa nabanggit na social media platform.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

https://twitter.com/_rainbowfighter/status/1780813765187105219

Photo courtesy: Jed Madela (X) via @_rainbowfighter

Sa isa pang X post ay tila may sagot naman si Jed sa bash na natanggap niya.

"One line that resonated to me... 'Ignore the noise... keep achieving.' Have a great day!"

[embed]https://twitter.com/jedmadela/status/1780799838323716115[/embed]

Subalit hindi siya tinantanan ng mga netizen sa comment section nito.

"boycott his shows, resonate the message"

"One line that resonated you - Enabler kang kamote ka! Dutae pa more!"

"Bat po kayo nag delete nung concert promo poster?"

"Ignore the noise pero dinelete ang post. Tama na accla!"

"Ayaw mo na mag promote ng show mo?"

"Boycott"

Samantala, wala pa ulit pahayag si Jed sa mga bash na natatanggap niya dahil dito.