Tuloy ang takbo sa career ng Kapuso actor na si Rob Gomez matapos ang mga kinasangkutang isyu laban sa kaniya na talaga namang pinag-usapan sa social media.

Katunayan, katatanggap lang niya ng parangal noong Sabado, Abril 15, sa 5th Philippine Faces of Success 2024 na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City.

Flattered si Rob sa natanggap na award dahil first time niyang makatanggap nito bilang aktor. 'Ika nga niya espesyal daw ito. Hangad nga din daw niyang magkaroon ng award bilang mahusay na aktor kagaya ng lolo niyang si the late George Estregan. Sa ngayon may bagong series daw siyang gagawin at isa pang pelikula sa ilalim ng Regal Films.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Rob kung ano ang natutuhan niya sa mga naging isyu nila ni Herlene Budol at iba pang naging cast sa natapos na teleseryeng “Magandang Dilag.”

Tsika at Intriga

Rita Avila, napatanong: 'Sino at ano ang sasagip sa mga Pilipino?'

Ayon sa kaniya, nariyan sa tabi niya ang inang si Kate Gomez na dati ring artista na handang turuan at gabayan siya sa karerang tinatahak nito.

“Tinuruan po ako ng nanay ko na rumespeto ng babae. Huwag gumanti porket galit ako, huwag umaksyon porket nasaktan din ako. 'Yon ho talaga 'yong pinaka-umiibabaw sa pag-iisip ko no'ng mga oras na iyon. Kaya nagdesisyon ho akong hindi magsalita at huwag dagdagan pa kasi alam kong makikita rin ito ng anak ko in the future," aniya.

“Kaya with everyone who I am working with, everyone in the industry, the media. I hope everyone would just comply with my dream of ah… one day being to flip the switch and explain it to my daughter na we love her so much. Her mom and me love her so much. Maski anuman ang nangyari sa mga issues na iyon we will always be there for her.”

Lahat daw ng ginagawa ni Rob ay para sa kaniyang anak. Gusto nga raw niyang bilhan ito ng bahay at kotse. Gusto raw niya na laging nandodoon siya sa tabi ng kanyang anak na babae kagaya ng birthday at sa lahat ng magiging okasyon.

May sinabi naman si Rob sa mga namba-bash sa kanya.

“Just keep on coming. I know who I am and you don’t know who you are. So ang pagkakaintindi ko po kasi sa taong maraming galit ay marami rin silang unresolve na problema sa sarili nila. So ayoko na ring sumali sa mundong ganoon. Kaya ang advice ko na lang sa inyo is ah…just work on yourself. Maybe you’ll discover something greater than just thinker someone else problem.”