Makakaranas ng matinding init ang Dagupan City, Ambling, Tanauan, Batangas; Puerto Princesa at Aborlan sa Palawan dahil umabot na sa 44-degree Celsius ang heat index sa mga nabanggit na lugar ngayong Miyerkules, Abril 17.

Makikita sa highest heat index ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas naman ng 43-degree Celsius na init ang mga sumusunod na lugar: Bacnotan, La Union; Sangley Point, Cavity; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Iloilo City and Dumangas, Iloilo, and Catarman, Northern Samar.

Samantala, ang Aparri at Tuguegarao City sa Cagayan, ISU Echague sa Isabela; Cubi Pt sa Subic Bay, Olongapo City; San Jose, Occidental Mindoro; Virac (Synop), Catanduanes; at Tacloban City sa Leyte, ay makakaranas ng 42-degree Celsius heat index.

Pumalo naman sa 41-degree Celsius heat index ang mararanasang init sa NAIA-Pasay City sa Metro Manila habang ang Science Garden sa Quezon City ay umabot ng 41-degree Celsius heat index.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Kaya naman, sa panayam ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio sa TeleRadyo Serbisyo, pinayuhan niya ang publiko ng mga dapat gawin sa ganito kainit na panahon.

“Ang solusyon po dyan, ang paulit-ulit naming paalala, uminom po ng maraming tubig. Magsuot ng damit na komportable lalo na po ‘yong kulay ay very light po,” ani Aurelio.

Gayunpaman, sa kabila ng init ng panahon, may mga inaaasahan pa rin daw na mahihinang pag-ulan sa sa mga lugar na gaya ng Davao at SOCCSKSARGEN region.