Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Surigao del Norte nitong Martes ng umaga, Abril 16.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig dakong 8:53 ng umaga sa General Luna, Surigao del Norte na may lalim na 19 kilometro.
Ayon pa sa ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Gayunpaman, wala namang inaasahang matinding pinsala at aftershocks matapos ang lindol.