Na-promote na ang hepe ng Alitagtag Police sa Batangas matapos pangunahan ang pagsamsam sa mahigit dalawang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13 bilyon sa nasabing lugar nitong Lunes, Abril 15.

Mismong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang nagbigay ng spot promotion kay Capt. Luis de Luna, hepe ng pulisya sa naturang lugar.

Itinaas sa Police Major ang ranggo ni De Luna.

Ang grupo ni De Luna ang humarang sa isang silver van (CBM-5060) kung saan lulan ang nasabing illegal drugs sa Barangay Pinagkrusan, dakong 9:10 ng umaga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nadiskubre ang illegal drugs matapos sitahin ang driver ng van na si Ajalon Michael Zarate, 47, dahil sa pagmamaneho ng walang lisensya.

Kaugnay nito, tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief, Maj. Gen. Rommel Marbil na palalakasin pa nila ang kampanya laban sa ilegal na droga upang tuluyang malansag ang sindikato nito sa bansa.