Nagpasalamat ang Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis sa pagtangkilik ng mga manonood sa comeback project nila ng "Tabing Ilog" stars na sina Kaye Abad at Patrick Garcia, na streaming na sa Netflix.

Sa maiksing video message na naka-upload sa reels ng official Facebook page ng Sparkle GMA Artist Center, nagpasalamat si Paolo sa mga manonood dahil nag-number 1 ang reunion movie nila sa nabanggit na online streaming platform.

"I just wanna thank all of you for making our movie 'A Journey' number 1 sa Netflix," anang Paolo.

"Maraming-maraming salamat po sa mga nakanood na. Sa mga hindi pa po nakakanood, please watch it. Still streaming on Netflix worldwide. Again, thank you very much."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hirit pa ni Paolo, umitim na raw ang buhok niya dahil sa sobrang saya niya.

"Ang saya-saya po namin. Sobrang saya po namin. Kita n'yo naman nagitim na 'yong buhok ko..."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"In all fairness kay Paolo, lets give him credit too! Ang ganda ng story, ang galing nilang 3❤️Pinaka iniyakan k ata to na movie so far. Ung kakaiyak lang, iiyak n nmn ulit. I thought Im part of it sobra ung emotions nadala ko e."

"May nagsara mang isa, marami pang bukas na pinto sa mahusay na aktor na si Paolo Contis"

"Dahil kay Kaye Abad at kay Patrick kya kmi Nanood...👍👍 Iho payo lang sayo magaling kang umarte kya lang Na walang gana kmi sayo dahil sa ugali mo nasa Tahanan pinasara .. I wish Makabalik ka talaga..👍👍 CONGRATULATIONS!!!"

"Nice movie Pao. Namiss ko tuloy ang Tahanang Pinakamasaya."

"I watched your movie in Netflix Paolo.. it’s a very amazing movie. And I will watch it again. I have really waited for it to be available. Congratulations!"

Matatandaang noong Marso ay naligwak na sa ere ang noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc. kung saan kabilang sa hosts si Paolo.