Asahan na ang mas mainit na panahon sa Mayo.

Ito ang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Abril 16.

Sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction head Ana Solis, dahil lamang ito sa epekto ng warm at dry season sa bansa.

Posible aniyang maramdaman ang 40.3 degrees celsius sa Metro Manila sa susunod na buwan kasunod na rin ng naitalang 36.9 degrees celsius sa Pasay nitong Lunes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasaysayan, naitala ng Metro Manila ang pinakamataas na temperatura nito na 38.9 degrees celsius noong 1915.

Inaasahang titindi pa ito pagsapit ng Mayo. 

Sa buong bansa, naramdaman ang pinakamainit na klima nito sa Tuguegarao City noong Abril 22, 1912 at Mayo 11, 1969 matapos maitala ang 42.2 degrees celsius.