Isang magandang balita ang hatid ng The Metropolitan Theater para sa mga mahilig sa classic films na nakasentro sa romance at drama dahil libreng mapapanood ang “Kailangan Kita.”

Sa Facebook post ng MET nitong Martes, Abril 16, mababasa ang anunsiyo at mga detalye kaugnay sa libreng film viewing.

“Mapapanood ng libre ang Kailangan Kita sa darating na Linggo, ika-21 ng Abril, ika-2 ng hapon sa Tanghalang Metropolitan,” saad sa caption ng post.

Matutunghayan sa “Kailangan Kita” ang kuwento ng masalimuot na pag-iibigan ng mga karakter na ginampanan nina Aga Muhlach, Rizza Samson, at Claudine Barretto.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

Isinulat nina Shaira M. Salvador at Raymond Lee ang screenplay ng naturang pelikula na unang lumabas noong 2002 at idinirek naman ni Rory Quintos.

Kaya para sa mga interesadong manood, magpatala lamang sa sumusunod na link: https://bit.ly/3xuzxE7

Ang inisyatibong ito ay handog ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at The Metropolitan Theater, sa pakikiisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ABS-CBN Sagip Pelikula at ng Star Cinema.