Kinumpirma ng award-winning actor na si Jericho Rosales ang bago niyang proyekto sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Abril 16, ibinahagi ni Jericho ang kaniyang naramdaman para sa naturang proyekto.

“I think I’m good, I’m excited. I think I have good energy. I’ve been working but I am not telling people what I’ve been doing,” lahad ni Jericho.

“I’m really happy with this energy now that I am back. In front of the camera, announcing stuff that I’ve been working on,” aniya.

Tsika at Intriga

'If sayaw dahil fiesta, sayaw lang!' Boom Labrusca, tinira mga 'naghuhubad' sa pista

Dagdag pa niya: “I’m very excited sobrang tagal ko nang ‘di nakabalik dito, seems like my energy is still there it’s nice to be back here sa ABS. But this one yes, I accepted a project under Dreamscape.”

Bagama’t walang masyadong binanggit ang aktor na detalye, sinabi niya na isa umano itong “good project.”

Matatandaang 2018 pa ang huling serye ni Jericho sa ABS-CBN kung saan gumanap siya bilang “Lino” sa drama series na “Halik.”