Saludo ang mga netizen sa isang jeepney driver na libre na ang pamasahe para sa senior citizen, person with disability (PWD), buntis, at mga batang 9-anyos pababa.

Ibinida siya ng netizen na nagngangalang "Maricho Dimaunahan Perez Arellano" matapos siyang maging pasahero nito.

Kitang-kita sa loob ng jeep ang paskil na WALA PONG BAYAD "LIBRE" ang mga senior citizen, pregnant women, PWD, at mga batang may gulang na 9 pababa.

"saludo aqo sa ganitong driver..kahit mahal ang bilihin...nagagawa pa nyng tumulong sa kapwa...godbless kuya.." mababasa sa post ni Arellano.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Photo courtesy: Maricho Dimaunahan Perez Arellano (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"God bless kuya, kahit may isyu tungkol sa privatization ng jeep, mabuti pa rin ang puso mo..."

"Salamat Conrad..nasakyan ko ulet jip mo khapon..me nag attempt pang senior magbayad pero dimo tinanggap pinaabot na bayad.God Bless you Always"

"Saludo po sa inyo. Marami pong salamat, 2beses na aq nakasakay sa jeep ninyo, wala pong bayad. Ty po."

"Maraming Salamat sau Conrad,napakabait mo talaga,lgi libre ang mga Senior Citizen..God Bless you always.."

"Nakasakay na din po ako sa jeep ni kuya na yan. Nd ko naman po nakita yoong kanyang tarheta na ganon kaya bayad agad ako at ipinaabot ko pa sa pasahero eh agad na ibinalik at senior daw po ako tapos kasama ko pa ang isa kong apo na mag eeight yrs old ay ibinalik din po ang bayad sa akin. Kaya sabi ko aba otoy 2 kami eh kuhanin mo na ang bayad ng isa ay ayaw ni kuya driver. Kaya sinabi ko agad sa driver sana pagpalain ka pa ni Lord ng maraming marami. Thank you and God bless."

Nakilala ang jeepney driver na si "Conrad Comia" na minsan nang nag-viral dahil sa libreng pamasahe sa kaniyang pamamasada noong kaarawan niya.

Matapos niyon ay nagtuloy-tuloy na ang libreng pamasahe para sa mga nabanggit na pasahero.

Sa kasalukuyan ay nahaharap sa isyu ang modernisasyon ng mga pampasaherong jeepney ayon sa atas ng pamahalaan.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!