Nagsalita na ang isa sa mga miyembro ng all-female group na "4th Impact" na si Mica Almira kaugnay ng mga isyung ibinabato sa kanilang magkakapatid.

Si Mica Almira o "Almira," ang panganay sa tatlo pa niyang kapatid na sina Irene, Mylene and Celina Cercado. Nakilala sila matapos sumali sa "X Factor UK" subalit nabigo silang manalo rito.

Nag-ugat ito sa kanilang donation drive para sa balak nilang pagpapatayo ng "dog farm" para sa kanilang mga alagang shih tzu na hindi na nila napigilan ang pagdami.

Kinuwestyon ng mga netizen ang kanilang pangangatok sa puso ng pet lovers matapos mapag-alamang nakapanood sila ng "Eras Tour" ni award-winning singer-songwriter Taylor Swift.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"PLS STOP THE HATE and SPREAD LOVE..I will not let anyone stop our dreams..I will defend my group and my family ..my sisters are the most amazing humans i know❤️," mababasa sa caption ng Facebook post ni Almira.

Kalakip ng post ang screenshots ng kanilang paliwanag sa mga isyung ipinukol sa kanila.

Aniya, nagsalita siya upang basagin na ang katahimikan sa isyu sa kabila ng payo ng mahahalagang tao sa buhay nila, subalit kailangan na nilang i-address ang isyu dahil hindi na raw tama ang sinasabi ng ilan. Bilang panganay, sa palagay raw ni Mica ay kailangan niyang protektahan ang mga nakababatang kapatid mula sa cyber bullying.

Pagdating daw sa kanilang limang shih tzus na dumami na (at hindi raw related sa isa't isa), totoo raw na dumami ito at ang iba pa nga raw ay ipinamigay nila sa mga kaibigan nilang may kapasidad na mag-alaga ng ganitong breed ng pet dogs. Hanggang sa makapunta sila sa Los Angeles, California, USA dahil sa working visa na naipagkaloob sa kanila, para abutin ang kanilang pangarap.

Ang panonood daw nila ng Eras Tour ay naganap sa Sofi Stadium sa Los Angeles at hindi sa Singapore noon pang Agosto 2023, at regalo lang daw ang ticket ng kanilang fans. Bukod dito, fans din ang bumili ng tickets para sa kanila upang makapanood ng Renaissance Tour, Bruno Mars Show, at Katy Perry Show sa Las Vegas. Pati raw studio nila ay bunga raw ng enormous support mula sa kanilang livestreams.

Matapos daw ireklamo ng kapitbahay dahil sa ingay ng kanilang mga dumaming aso, naisipan daw ni Almira na gumawa ng donation drive para sa pagpapatayo nila ng "dog farm" na tutuluyan ng kanilang mga alaga.

Nang mabash na raw sila nang bonggang-bongga, kaagad daw niyang binura ang post na donation drive at nag-refund ng mga donasyong naibigay na sa kanila.

Nagpakita siya ng resibo kung saan ibinalik niya sa isang nagngangalang "John Wingfield" ang $200 na donasyon nito para sa Dream Land ng kanilang shih tzu dogs.

Nanawagan si Almira na ihinto na sana ang pambabash at hate comments laban sa kanila dahil ang layunin lang daw nila ay mag-perform at magpasaya ng mga tao. Hindi raw sila hihinto sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

"Pls STOP all hateful and harsh comments.. We will never QUIT and we will continue to pursue our dreams.. kahit mahirap .. Laban lang ... Spread LOVE ...." aniya sa dulo ng opisyal na pahayag.