Viral ang Facebook post ng guro at manunulat na si Mikee Brosas matapos niyang ibahagi ang screenshot ng mensahe sa kaniya ng isa sa mga mag-aaral na nagpaalam na sa kaniya dahil kinakailangang huminto sa pag-aaral.

Batay sa mensahe ng mag-aaral, nagpaalam ito kay Brosas na hindi na ito makapapasok sa paaralan dahil wala na raw magpapaaral sa kaniya, sa rason na hindi binanggit sa kanilang usapan.

Nagpasalamat ang mag-aaral sa guro dahil sa mahusay nitong pagtuturo. Siguro daw ay hindi pa ito ang oras niya para sa pag-aaral ng kolehiyo.

Kaya nasabi na lamang ni Brosas na para sa mga mag-aaral na may kakayahang magtamo ng edukasyon pagdating sa pisikal, mental, emosyunal, at lalo na sa pinansiyal, huwag itong balewalain o i-take for granted.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

May mga tao raw kasing gustong makapagtapos ng pag-aaral subalit kulang naman sa mga nabanggit sa itaas.

"this is what i mean when i say na when you have the means to pursue your studies, huwag n'yong i-take for granted. own it. pahalagahan n'yo bawat pagkakataon. not everyone has it," aniya.

"maraming tao ang mayroong deepest desires sa mga bagay na madalas ding hindi binibigyang halaga ng iba. katulad ng mga pangarap na nagagawang maibaon sa limot dahil sa kakulangan ng suporta."

"i hope one day, makabuo tayo ng espasyo na kung saan hindi mapagkakaitan ang iba. na ligtas at inklusibo. na magkaroon ng fair share at angkop na pagtrato."

"mahigpit na yakap w/ consent para sa lahat."

"i hope we all get better."

Pahabol ni Brosas, nagpaalam daw siya sa mag-aaral na kausap niya bago niya i-post ang screenshot ng mensahe nito sa kaniya. Nagbigay rin siya ng kaniyang sariling mensahe para sa nabanggit na mag-aaral.

"do not worry, i posted it with my students' consent."

"and to you, my dear student, i know things will be better. hindi man ngayon pero palaging may nakalaan na panahon para sa paghilom."

"kapit lang. aayon din sa inyo ang pagkakataon."

Nagbigay rin ng kaniyang saloobin si Brosas kung bakit mahirap ang pagiging isang guro.

"this is one of the hardest parts of being a teacher. na gawin mo lahat para ilaban sila, pero ang pagkakataon na mismo ang kalaban mong umaalma."

"kaya hindi ako naniniwala na libre ang mangarap. siguro, libre lang ito para sa mga privileged enough. mailap 'to para sa mga nangangapa at kapos."

"ang hirap maging mahirap."

Umantig naman ito sa puso ng mga netizen at tila marami ang naka-relate sa mag-aaral at maging sa guro.

"Isa ako sa hirap mailaban lang hanggang makatapos 4 years in college pero mula nung pandemic nalate ako ng 1 year, pero heto 2 months nalang susuot na ng itim na toga at matatanggap ang diploma."

"I hope all teachers will aspire to be like my friend, Prof. Mikee. If only all teachers and educators knew that they play a huge part for their students’ upbringing within the school premises as they’re the one who tend to either encourage or make their students have the feeling of losing interest in learning..."

"Wag po muna agad sumuko.. .I strongly recommend Charity First Foundation, nagbibigay sila ng scholarship with allowance."

"Indeed, it's hard to be poor. Boy, if you happen to read this, always remember that your time will come. Keep pushing forward and never lose hope, because every struggle you encounter today will lead you to a brighter tomorrow."

"This post motivates me na magpatuloy kasi tama naman maraming gustong mag-aral pero hirap sa financial kaya napipilitan na tumigil."

"yung mga privileged dyan tinake for granted yung pagkakataon, kaya naman kayong pag aralin ng mga magulang nyo kung ano ano ginagawa nyo sa buhay nyo, sana magising kayo!"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Brosas, napag-alamang siya ay isang college instructor sa isang pribadong kolehiyo sa Cavite, at registered writer sa ilalim ng National Book Development Board (NBDB).

Kuwento niya, ang mag-aaral na kausap niya ay nasa first year pa lamang.

Umabot na sa 19k reactions, 12k shares, at 218 comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!