Nagdulot ng inspirasyon at realisasyon sa mga netizen ang isang post mula sa blog page na "Open Letter" na may pamagat na "Hindi Na Tayo Pabata."

Ayon dito, habang nagkaka-edad ang isang tao ay tumataas at dumarami rin ang kaniyang responsibilidad na kailangang gampanan.

Kaya habang "bata" pa, gawin na ang mga dapat gawin, dahil kapag tumanda na, maaaring hindi na magawa ang masasayang bagay na dulot ng murang gulang.

"As much as we want to go back when we're just kids playing outside, having bruises, going home late, playing random street games with friends and other things, we cannot deny the fact na we can no longer be the same kid that we use to be," mababasa sa unang talata sa art card.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Lahat daw ng "adults" ngayon ay tiyak na naisip nang sana'y bumalik na lang sa pagkabata upang hindi na maranasan ang iba't ibang pressure ng pagtanda gaya ng pag-ooverthink, pagkadismaya, at iba pa. Sa kabila nito, kailangan daw tanggapin ng kahit na sinong adult na hindi naibabalik ang pagkabata at maraming responsibilidad na nakaatang sa pagtanda.

"Kaya ngayon ko na-realize yung sinasabi ng mga nakatatanda sa atin na 'habang bata ka pa, sulitin mo na' dahil sa pagtanda mo hindi mo na pala magagawa yung mga masasayang bagay na ginagawa ng mga bata," mababasa pa rito.

Dagdag pa, "As much as we want to go back to the past na walang pain, struggles, disappointments at iba pa, pero ito ang realidad ng buhay. Ang kailangan mo na lang gawin ay magpatuloy at piliin na hindi sumuko."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Enjoy Life with a Purpose"

"Maiksi lang ang buhay, sulitin ang bawat sandali ng masaya"

"pede nga lang talaga na bata ka na lang talaga un palaro-laro ka lang wala ka proproblemahin, iisipin, kundi laro,kumain,masaya ka na. peo kailangan talaga harapin un katotohanan na ang buhay ay mahirap peo kinakaya at kakayanin."

"Sana all nasabihan ng matatanda ng 'habang bata kapa sulitin mo na' dahil kami dati ang tanging sabi ng magulang namin na alala q. " ugaliin nyong maging masipag at umpisahan nyo na ngayon habang bata pa kayo para hindi kayo lumaking tamad.. Bunga na rin cguro ng kahirapan nmin kaya kailangan nmin isantabi ang kaligayahang pambata at piliin nalang tumulong sa magulang sa sakahan.. Pero sobrang pasalamat q na naging ganun kami nung kabataan nmin."

Sa eksklusibong panayam ng Balita, napag-alamang ang owner ng blog page at gumagawa ng mga naka-iinspire na mensahe rito ay nagngangalang "Arvin Branca." Siya raw ay aktibo bilang mang-aawit at gitarista sa simbahan.

"Be an encourager to those who are in need of encouragement. Let's bring Hope to this generation," mababasa sa profile ng kaniyang page.

Umabot na sa 52k reactions, 37k shares, at 471 comments ang nabanggit na viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!