Ipinagmalaki ni "Eat Bulaga!" host Joey De Leon na nasa "Top 5 Longest Running TV Show" sa buong mundo ang nabanggit na noontime show, at numero uno naman sa buong Pilipinas.

"The Top 5 LONGEST RUNNING TV Shows in the world! 👏," ani Joey sa caption ng kaniyang Instagram post kung saan makikita ang isang larawan na kuha niya sa flat screen TV ng pinapanood niyang programa.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

View this post on Instagram

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Batay sa datos, 45 taon nang umeere ang Eat Bulaga, at ang nangunguna naman ay isang soap opera mula sa United States.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"yung tuwang tuwa ang iba dahil napataob dw nila ang EB sa rating to think n sankatutak ang channel na meron sila.. mga aligaga. pero ang EB chill lang, wala ng dapat patunayan. kanila ang ratings..pero sa EB ang longest running variety show at mahal ng masa, mapamatanda o bata. EB dabarkads forever."

"Wow Congrats Eat Bulaga and Dabarkads! So proud of u. Galing! Ibig sabihin sa category ng "Variety Show" ay Top1 ang Eat Bulaga sa Longest Running Show at ipasok nyo na po sa Guinness World Records. Yey!!! Dala ng Eat Bulaga ang bandera ng Pilipinas!"

"wala parin talagang tatalo sa @eatbulaga1979 sabi nga nila hangang may bata may eatbulaga."

Sa ngayon, gitgitan ang laban sa pagitan ng Eat Bulaga at "It's Showtime" ng ABS-CBN na umeere na ngayon sa GMA Network.