Hinamon ni Atty. Vic Rodriguez, dating executive secretary ni Pangulong Bongbong Marcos, ang mga opisyal ng pamahalaan na sumailalim sa drug test.

Nangyari ang hamon na ito sa naganap na “Defend the Flag Peace Rally” nitong Linggo ng gabi, Abril 14 sa Tagum City, Davao del Norte.

National

‘A credible drug test for all,’ panagawan ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez

“’Yung tungkol sa rito sa hindi mamatay-matay na usapin ng droga. Ito pong storyang ‘to ay isang storya that just would not go away. That is why ang iniiwan nating palaging hamon sa lahat ng naglilingkod sa pamahalaan, it is time to undergo an open and credible drug test,” ani Rodriguez.

“Kung ang ating mga sundalo at ating mga pulis na siyang namamahala ng katahimikan at kapayapaan ay kinakailangang sumailalim sa periodic drug test, bakit kailangan exempted ang ating mga national leaders?” giit pa ng dating executive secretary.

“Hindi ba’t marapat lamang na bago sila tumanggap ng kahit anong kautusan sa civilian authority, kinakailangan muna mag-undergo ng drug testing ang civilian authority bago sila magbigay ng anumang kautusan sa ating mga kasundaluhan at kapulisan?” dagdag pa niya.

Matatandaang kusang-loob na sumailalim sa drug test si Rodriguez at nanawagang magkaroon ng "credible drug test for all."