Namangha ang mga netizen sa singer-songwriter na si Ice Seguerra matapos niyang bumulagang nakadamit-pambabae at todo-posturang merlat para sa birthday ni Vic Sotto sa "Peraphy" segment ng noontime show na "Eat Bulaga!"

Napanganga na lang si Bosing Vic nang bumungad sa kaniya si Ice na babaeng-babae ang hitsura at talagang nakasuot pa ng pink dress. Noong una raw, aminadong hindi siya nito nakilala.

"Siguro naman, napatunayan ko nang mahal na mahal kita, Tito Vic! Hahahaha!!!" ani Ice sa kaniyang Instagram post kasama si Vic.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Bukod sa hosts ng Eat Bulaga, marami sa mga netizen ang nagsabing sana raw ay maging "babae" na ulit si Ice Seguerra, na ina-identify na ang sarili bilang isang lalaki.

"Grabe hindi kita agad nakilala kanina @iceseguerra kabogera ka ng taon hahaha love you Aiza and Bossing."

"Sana Aiza na lang ulit. Ang ganda mo!"

"Kung naging straight ka, ganiyan ang looks mo. Super pretty!"

"Wow, ang dating ikaw. Nakakatuwa naman!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ice tungkol sa magagandang feedback ng kaniyang ginawa para kay Vic.