Nakahanda raw ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa ikakasang transport strike ng Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o MANIBELA at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa darating na Lunes, Abril 15.

Sa inilabas na pahayag ng MMDA sa X nitong Linggo, Abril 14, sinabi nila na kasama raw nila ang mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuhan.

“Nakahanda naman ang MMDA, kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa NCR, para magbigay ng libreng sakay sa mga maapektuhang pasahero sakaling kailanganin,” pahayag nila.

Hindi raw kasi nila sususpindehin ang number coding scheme sa gitna ng gagawing tigil pasada ng dalawang nabanggit na transport group.

Metro

‘Mali ang nabiktima!' 2 holdaper, napatakbo palayo nang malamang nagkakarate nanakawan nila

“Tuloy ang pagpapatupad ng number coding scheme mula 7am-10am at 5pm-8pm at bawal bumiyahe sa nasabing mga oras ang mga may plakang nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng coding tuwing Lunes,” saad pa ng MMDA.

https://twitter.com/MMDA/status/1779322840619331657

Ang naturang transport strike ay tugon ng MANIBELA at PISTON sa ipinapatupad ng Department of Transportation na public utility vehicle modernization program (PUVMP) noong 2017.

Ngunit maraming jeepney drivers at operator ang hindi sang-ayon sa naturang programa dahil masyado raw masakit sa bulsa ang modern jeepneys na ilang milyon daw ang presyong aabutin.

Kaya naman, kaliwa’t kanan ang isinagawang kilos-protesta ng nasabing sektor para hindi tuluyang ma-phase out ang mga traditional jeepney.

Dahil dito, mula Enero 31 ay na-extend ang jeepney consolidation hanggang katapusan ng Abril.