Inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasundo ang Pilipinas, Amerika, at Japan na magtulungan para sa isang mapayapa at maunlad na Indo-Pacific region.

Nasa Amerika si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa trilateral summit kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.

"Sa kauna-unahang Philippines-U.S.-Japan Trilateral Summit, nagkasundo sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., President Joe Biden, at Prime Minister Fumio Kishida na magtulungan para sa isang mapayapa at maunlad na Indo-Pacific region," mababasa sa latest post ng PCO.

"Habang nasa Estados Unidos para sa Summit, nakasama ni PBBM sa magkahiwalay na miting si President Biden at Defense Secretary Lloyd Austin III."

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

"Siniguro rin ni PBBM na isulong ang kooperasyon ng Pilipinas sa usapin ng ekonomiya sa mga pulong sa iba’t ibang kumpanya at sa Japan Chamber of Commerce and Industry," anila pa.

Bukod dito, ibinahagi rin ng PCO ang pakikipagpulong ng pangulo sa mga pribadong sektor gaya ng Ultra Safe Nuclear Corporation, Japan Chamber of Commerce and Industry, at Google.

Sa kaniyang talumpati noong Huwebes, Abril 11, sinabi ni PBBM na ito na raw ang simula sa mas mainam na relasyon ng Pilipinas, Amerika, at Japan.

"This meeting can be just a beginning,” aniya.

"Facing the complex challenges of our time requires concerted efforts on everyone’s part, a dedication to a common purpose, and an unwavering commitment to the rules-based international order," dagdag pa.