Umani ng reaksiyon sa mga netizen ang larawan ng isang unggoy na namataang kinakagat-kagat ang isang basyo ng plastik na bote ng mineral water, na matatagpuan sa Mount St. Paul sa Puerto Princesa, Palawan, malapit sa sikat na Underground River.

Sa mga kuhang larawan ni Noel Pabalate ng Manila Bulletin, makikitang nginangatngat ng unggoy ang plastik na bote, bagay na nagdulot ng reaksiyon at pagkadismaya sa mga netizen, dahil mahigpit na pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang mga turista na huwag magdadala at magtatapon ng plastic containers sa kung saan-saan, upang mapanatili ang sustainable ecotourism ng lugar, na isa sa mga itinuturing na World's Seven Wonders of Nature.

Kaya naman, umani ng reaksiyon sa mga netizen ang nabanggit na larawan. Sana raw ay mas maging disiplinado pa ang mga turistang bumibisita sa nabanggit na tourist attraction upang mapangalagaan ang kalikasan. Nagtataka ang marami kung paano ito nakalulusot.

Kahayupan (Pets)

Mga alagang hayop, huwag pabayaan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Pepito – PAWS

"Nature will heal once humans are gone."

"This is so sad! Tourists are paying environmental fees and where does it go?"

"Bags of visitors must be thoroughly checked at the entrance, in the first glance, so they should not carry any inappropriate belongings while visiting the underground river."

"Walang disiplina at respeto sa kalikasan."

"Dami kasi pasaway at walang disiplina kung saan saan lang nagtatapon ng mga basura nila. Mahiya naman tayo! At maging disiplinado sa sarali nating bansa."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 13k reactions, 1.8k shares, at 180 comments ang nabanggit na ulat.