Usap-usapang mapapanood na sa ALLTV ang flagship newscast ng ABS-CBN na "TV Patrol" sa pamamagitan ng channel 2, ang dating frequency ng Kapamilya Network bago ito mawalan ng prangkisa noong 2020.

Matapos mabakante ang channel 2, napunta ito sa ALLTV na pagmamay-ari ni dating senate president Manny Villar, na kabilang sa listahan ng Forbes na pang-190 sa pinakamayayamang bilyonaryo sa buong mundo at nangunguna naman sa Pilipinas.

Sa ulat ng Bilyonaryo, nagkasundo na sa blocktime agreement ang mga Lopez, may-ari ng ABS-CBN, at si Villar. Mapapanood sa time slot nito sa gabi ang TV Patrol na magsisimula na raw sa Lunes, Abril 15.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag o kumpirmasyong inilalabas ang pamunuan ng ABS-CBN o ALLTV tungkol sa usaping ito.
National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands