Niyanig ng 4.7-magnitude na lindol ang Eastern Samar nitong Sabado ng hapon, Abril 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa ahensya, nangyari ang lindol dakong 5:22 ng hapon. Matatagpuan naman sa Silangan ng San Policarpio, Eastern Samar ang epicenter ng pagyanig na may lalim na 20 kilometro.
Dagdag pa nito, tectonic ang pinagmulan ng naturang pagyanig.
Wala naman daw inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang malakas na lindol.
Matatandaang nito lamang Abril 11 ay niyanig magnitude 5.1 na lindol ang Dolores, Eastern Samar.