Niyanig ng 5.3-magnitude ng lindol ang Davao Occidental nitong Sabado ng tanghali, Abril 13.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa Balut Island (Municipality Of Sarangani), Davao Occidental na may lalim na 74 kilometro dakong 2:26 ng tanghali.
Dagdag pa ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Samantala, wala naman daw inaasahang pinsala at aftershocks sa naganap na pagyanig.