Nagbibigay ang PUP Open University System (PUP-OUS) ng pagkakataon na makapag-aral ang mga magulang sa pamamagitan ng paghahain ng moda ng pagkatuto na angkop sa kanilang kalagayan.

Sa Facebook post PUP-OUS kamakailan, inilatag nila ang mga kwalipikasyon para sa mga interesadong aplikante na gustro pa rin mag-aral pero hindi angkop ang tradisyonal na set-up ng klase dahil sa iba’t ibang dahilan.

Ayon dito, ang mga aplikanteng nais kumuha ng College Admission Evaluation of PUP for the Open University System (CAEPUPOUS) ay kinakailangang college undergraduate, nakakompleto ng dalawa hanggang tatlong taong diploma course, nakatapos sa technical school o TESDA graduate at undergraduates.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Samantala, para naman sa mga gustong kumuha ng PUPOUS College Entrance Examination Test (PUPCETOUS) kinakailangan ay graduate ng K-12 program na hindi naka-enroll sa kahit anong technical school o diploma program at may GWA na hindi bababa ng 82% o inaasahang makakatapos ng senior high school sa taong panuruang 2023-2024,  nakapasa ng PEPT/ALS o NFEA at E Program, o pwede rin namang high school graduate na mula sa old curriculum.

Narito naman ang mga available na programang pwedeng piliin ng mga aplikante:

Bachelor in Public Administration (BPA)

Bachelor of Public Administration major in Public Fiscal Administration (BPAFA)

Bachelor of Arts in Broadcasting (BABR)

Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management (BSBAMM)

Bachelor of Science in Business Administration major in Human Resource Management (BSBAHRM)

Bachelor of Science in Entrepreneurship (BSENTREP)

Bachelor of Science in Office Administration (BSOA)

Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM)

Ang PUP-OUS ay isang makabago at inobatibong sistema na nagbibigay ng higit na mataas na edukasyon na iba sa pormal, highly structured, at tradisyonal na set-up.