Simula sa susunod na linggo ay magpapatupad na ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ng online classes sa kanilang unibersidad, bunsod na rin ng nararanasang matinding init ng panahon.

Sa inilabas na abiso ng PLM nitong Huwebes, nabatid na sisimulan ang paglilipat sa alternative mode of learning sa Lunes, Abril 15, upang protektahan ang mga guro at mga estudyante laban sa matinding init ng panahon.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ito’y bahagi rin umano ng kanilang mitigation efforts laban sa  dangerous levels o mapanganib na antas ng heat index sa Maynila.

“Effective April 15, 2024, due to increasing heat index and as part of our commitment of prioritizing the health and safety of our stakeholders, faculty members are given the discretion to shift to online synchronous mode of learning depending on the requirement(s) of the subject course,” abiso pa ng PLM.

Ayon pa sa pamunuan ng unibersidad, maglalabas rin sila ng update sa mga estudyante hinggil sa pagbabago ng class schedules, kasabay nang paglalabas nila ng mga guidelines para sa online classes.

“The PLM administration will release updates should there be further developments and changes on the conduct of classes,” anito.

Bubuo rin umano ang Office of the Vice President for Academic Affairs and College Deans ng mga mekanismo sa pagdaraos ng online classes.