Naglabas ng warrant of arrest ang Pasig regional trial court (RTC) laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking.

“After consideration of the arguments brought forth by the parties, the court finds the Motion to Defer/Suspend Proceedings and Hold in Abeyance Issuance of Warrant of Arrest to be a prohibited motion and should therefore be DENIED,” ayon sa inilabas na three-page order nitong Abril 11.

Matatandaang mayroon ding pending warrant of arrest si Quiboloy na inisyu ng Davao City Regional Trial Court (RTC) dahil sa paglabag sa Sections 10(a) at 5(b) ng Republic Act (RA) No. 7610, the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sa di-umano’y sekswal na pang-aabusong ginawa niya noong 2011 laban sa isang babae na noon ay 17 taong gulang.

Samantala nitong Abril 8, binigyang-diin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla na dapat daw sumuko si Quiboloy hindi ayon sa sarili nitong tuntunin kundi ayon sa mga tuntunin ng batas.

MAKI-BALITA: Walang exempted: Quiboloy, dapat daw sumuko ayon sa tuntunin ng batas