Ikinatutuwa ng abogado ni Pokwang na si Atty. Ralph Calinisan ang pagkaka-deport ng dating partner ni Pokwang na si Lee O’ Brian.

“Hindi namin maitago ang aming kaligayahan sa balitang deported na si Lee O'Brian. Tunay na umaandar ang hustisya sa Pilipinas,” saad ni Calinisan sa kaniyang X post.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Nagpapasalamat kmi sa BI. Bawal ang mga babaero at mapang-aping dayuhan sa ating bansa. The PH is, as it should be, for the true welfare of the Filipino,” dagdag pa niya.

https://twitter.com/ralph_calinisan/status/1778334818595692632

Sa pahayag ng  Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes, Abril 11, sinabi nitong na-deport na si O’Brian noong Abril 8.

Sinabi rin ng BI na naghain si Marietta Subong o Pokwang ng deportation case laban kay O’ Brian dahil wala umano itong “proper working permits.”

MAKI-BALITA: Pokwang, wagi: Lee O’ Brian, na-deport na