Kinakiligan ng mga netizen ang pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na babawi siya sa kaniyang misis na si First Lady Liza Araneta-Marcos dahil "nagtatampo" na raw ito matapos magmintis ang dalawang dates nila, dahil sa kaabalahan niya bilang pangulo ng bansa.

Sinabi ni PBBM ang pahayag noong Lunes, Abril 8, matapos mauntag ng mga mamamahayag pagkatapos ng ceremonial energization ng Cebu-Negros-Panay 230-KV Backbone Project.

Aniya, babawi siya sa esposa pagkatapos ng kaniyang state visit sa United States of America.

“Dalawa na miss namin ang date namin. So kailangan akong babawi pagbalik ko galing sa (United) States. Nagtatampo na sa akin," aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa ulat ng Philippine Communications Office (PCO), Miyerkules, Abril 10, nakatakdang magtungo sa America si PBBM para sa makasaysayang trilateral cooperation kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), layunin ng nabanggit na trilateral meeting ang pagpapalalim sa ugnayang pang-ekonomiya at pandagat ng Pilipinas sa US at Japan. Bukod dito, pag-uusapan din umano ang tungkol sa mga hamong kaugnay ng pagbabago sa klima at iba pang international rules-based order.