Bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon, ipinag-utos ng Division of City Schools (DCS) sa Maynila ang implementasyon ng adjusted schedule sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito ay nakasaad sa Memorandum No. 140 s. 2024 na nilagdaan ni DCS Manila Chief Education Supervisor Nerissa Lomeda, at isinapubliko ng Manila Public Information Office (PIO) nitong Martes.

Alinsunod sa naturang memorandum,  ang klase sa lahat ng public schools sa lungsod ay magsisimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, simula sa Abril 11, 2024, Huwebes.

Nabatid na magtatagal umano ang implementasyon ng naturang adjusted schedule hanggang sa Mayo 28.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“BREAKING: Division of City Schools - Manila releases a memorandum implementing public school classes to be conducted from 6AM to 12NN only from April 11 to May 28,” anunsiyo ng Manila PIO, na pinamumunuan ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Anito pa, “Memorandum No. 140 s. 2024, signed by DCS Manila Chief Education Supervisor Nerissa R. Lomeda, CESE, was released in relation to the dangerous level of heat index currently experienced in the country.”