Nagbigay ng mensahe ang National Book Development Board kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pilipino.

Sa Facebook post ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nitong Martes, Abril 9, sinabi ng NBDB na patuloy muli nilang bibigyang-diin ang yaman ng Panitikang Pilipino sa isa umanong “experienced-based setting.”

“It is in the spirit that the NBDB joins the celebration of National Literature Month, where we will once again be highlighting the rich trove of Philippine Literature in an experienced-based setting, focusing on the role of community engagement in the enjoyment of books through the Philippine Book Festival in April,” pahayag ng NBDB.

“We hope you can join us. Until then, may we all continue to work toward creating books and use them as first steps to spread peace in our different communities,” anila.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Dagdag pa nila: “Maraming salamat at mabuhay ang lathalaing Pilipino.”

Matatandaang sa ginanap na “Araw ni Balagtas 2024” noong Abril 2 ay nabanggit ni NBDB President Dante Francis Ang II ang tungkol sa paglulunsad ng ikalawang edisyon ng Philippine Book Festival sa World Trade Center.

MAKI-BALITA: Ikalawang edisyon ng Philippine Book Festival, ilulunsad sa World Trade Center!