Isinapubliko kamakailan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang official portrait ng 13-anyos na si Niña Ruiz-Abad para sa pagsisimula ng “beatification and canonization” umano nito.

“The official portrait of the Servant of God, Niña Ruíz-Abad, was presented to the public during the opening session of the diocesan phase of her cause for beatification and canonization at the Cathedral Church of St. William the Hermit in Laoag City on Sunday, April 7, 2024,” anang CBCP.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Opisyal na ring sisimulan ng Diocese of Laoag ang malalim na pagsisiyasat tungkol sa buhay ni Abad upang malaman kung maaari ba itong maging susunod na santo na ma-canonize ng Simbahang Katoliko.

Gayunman, sino nga ba si Niña Ruiz-Abad?

Ayon sa CBCP noong nakaraang taon, sa maikling panahon na nabubuhay si Abad, nagpakita umano ito nang malalim na pananampalataya sa Diyos na naging dahilan upang i-konsidera ito gawin bilang santo.

Noong nabubuhay pa raw ang batang babae, namimigay ito ng mga rosaryo, Bibliya, prayer books, at iba pang bagay na patungkol sa Diyos.

“During her time, it is unusual that a young girl had already done acts to evangelize others,” saad ni Bishop Renato Mayugba ng Diocese of Laoag.

“Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary,” dagdag pa nito.

Naniniwala si Mayugba na magiging modelo ng “piety at fortitude” si Abad para sa mga kabataan ngayon.

“Knowing Niña’s character and traits and her strong faith in God will serve as a guide to the youth in handling their affairs towards a better Christian life,” anang obispo.

“If one asks, ‘Do you know Niña Ruiz Abad?’ The answer would be, ‘That’s the girl who always wore a rosary. The girl who loved to pray. The girl who loves God so much,’” dagdag pa niya.

Si Abad ay ipinanganak noong Oktubre 31, 1979 sa Quezon City ngunit lumipat ang kaniyang pamilya sa Sarrat, Ilocos Norte noong Abril 1988 dahil sa trabaho ng kaniyang mga magulang. Pumanaw ang kaniyang ama noong tatlo taong gulang pa lamang siya.

Nakapagtapos ng elementarya si Abad at nagpatuloy sa kaniyang unang taon sa high school sa Mariano Marcos State University Laboratory School. Lumipat siya sa Holy Spirit sa Quezon City noong 1993 dahil sa trabaho ng kaniyang ina.

Sa edad na 10, na-diagnose siya na may sakit na "hypertrophic cardiomyopathy," isang uri ng heart disease.

Noong Agosto 16, 1993, sa edad na 13, inatake sa puso si Abad na naging sanhi ng pagpanaw niya. Inilibing siya sa isang pampublikong sementeryo sa Sarrat, Ilocos Norte.