Viral sa social media ang rebelasyon ng content creator na si "Von Ordoña" matapos niyang ibunyag ang umano'y "kalokohang" ginawa sa kaniya ng kinuhang engineer para sa konstruksyon ng kaniyang dream house.

Ayon sa kaniyang video, hindi raw akalain ni Ordoña na ang ipinagkatiwala niyang construction fund para sa pagpapatayo ng kaniyang bahay ay mauuwi sa wala matapos daw itong gamitin muna ng engineer sa casino.

Bagama't nagalit sa ginawa ng engineer, mas nangibabaw raw ang lungkot para kay Ordoña dahil tila nalusaw ang kaniyang mga pinaghirapan para sa kaniyang dream house. Ito raw sana ang magiging bahay nila ng bubuuin niyang pamilya at dito sila gagawa ng masasayang memories.

Ipinakita rin ng content creator ang ilan sa mga pasilip sa mga hindi natapos na bahagi ng ipinatatayong bahay.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

"Tulungan nyo kong bulungan lahat ng mga kakilala nyong nag susugal na itigil na nila yan bago masira ang buhay nila at makapandamay ng iba," mababasa sa comment section ng post.

"Para sa lahat ng mga content creators na nag popromote ng sugal alam nyo na ang tama at mali. Wag tayong magpabulag sa pera na inooffer nila lalo lang lulubog ang bansa natin dahil sa mismong kagagawan natin."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa million views ang nabanggit na video, 511k reactions, 28k shares, at 24.5k comments. Hinikayat ng mga netizen ang vlogger na papanagutin ang engineer at iba pang may kinalaman dito.

"Mahirap sobrang tiwala, or sana man lang naglagay ka ng isang kamag anak or kakilala na magmomonitor sa site. Hard lesson to. Sobrang lala nyan, kasuhan nyo ng mabaon lalo."

"sugarol ako at social media influencer din... kahit kailan hindi ako nag endorse ng kahit anong sugal kasi may social responsibility ako sa 1million follower ko... yan ang hindi maintindihan ng kapwa natin content creator na tuloy pa din ang pag propromote ng sugal sa page nila... tatagan mo pa boss obstacle lang din ng buhay yan pinagdadaanan mo ngayon... tuloy lang ang laban boss"

"Gambling is a sickness same as drinking or being an alcoholic. They need therapy. Parang drug addiction lang din yan. When our house was being built, I remember my mother would go to the site everyday. Papa was weekly away for work and I was in elementary. Just imagine, kahit daily si mama andun, nawawala mga bags ng cement, bags of nails, kulang some pipes etc. The contractor would come but not stick around for the whole day due to other projects. I am so sorry to learn of what happened. Hope maayos yan at managot ang dapat."

"Grabe na ngayon, talagang mapapasabi ka nalang ng ibang iba na talaga ang mundong ginagalawan natin ngayon . Kahit saan ako magpunta, puro online gambling ang naririnig ko. Maging sa mga kabataan."

"Wala talaga magandang naidudulot kahit anong klase ng bisyo lalong lalo na ang sugal."

Samantala, wala pang update ang content creator sa mga susunod na hakbang at mga mangyayari sa kaniyang dream house. Wala pa ring opisyal na pahayag ang inirereklamong engineer maging ang developer tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.