Sinapok umano sa baba ang drag artist na si "Taylor Sheesh," gumagaya sa award-winning international singer-songwriter na si "Taylor Swift," nang mag-perform siya para sa Kalutan Festival sa Bayambang, Pangasinan nitong Sabado ng gabi, Abril 8.

Sa kaniyang X post, sinabi ni Taylor Sheesh na literal na nanginig at na-trauma siya sa nangyari.

"This is traumatic. Literally. I’m shaking rn," aniya.

[embed]https://twitter.com/heymacyou/status/1776658428167127096[/embed]

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Bumaha naman ng pag-aalala para sa kaniya. May ilang mga taga-Bayambang, Pangasinan ang humingi na rin ng paumanhin sa ginawa ng kanilang kababayan.

"I'm sorry you had to experience that.. hugs for you.."

"Mga hayop gumawa nun at wala sa katinuan. I'm really sorry for what they did to you on my behalf as a pangasinense myself. Praying for your recovery and let KARMA do the rest."

"Sorry Taylor Sheesh you experienced this. We are not tolerating people from our town to disrespect anyone. We are really sorry and pls know that we had a great time & you did perform well. We really enjoyed the night! Congratulations. You have my respect."

"I am from Bayambang and I was at the concert last night. Sorry to hear that, we didn't know. I hope you're okay now. May I know if our Mayor knows this?"

Batay naman sa kumalat na video, kinarate sa baba si Taylor ng isang sinasabing lasing na lalaki na nasa VIP section ng festival. Agad na dinakip ang lalaki at sinampahan ng reklamo.

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao at kinondena ang nangyaring pananakit sa drag performer-impersonator.

"I will not tolerate homophobia and physical abuse in my town. I will make sure that JUSTICE will be dealt with. I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her during her performance! Don’t worry. Authorities have the person in question and this matter and incident will be dealt with accordingly. BYB is a peaceful and safe town and I CaNNot CONDONE this stupidious act! I am so mad and so angry!!!! SHAME on YOU!!!!" aniya sa kaniyang Facebook post.

Hindi pa nakuntento, nagsagawa pa ng Facebook Live si Jose-Quiambao upang personal na humingi ng tawad kay Taylor Sheesh at sa lahat ng bumubuo ng LGBTQIA+ community.

Ayon pa sa mayora, ang kaniyang bayan ay inclusive at progressive kaya hindi niya hahayaang makalagpas ang mga ganitong akto.