Nagpaabot ng mensahe ang Korte Suprema para sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pilipino ngayong Abril.

Sa Facebook post ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nitong Lunes, Abril 8, hinikayat nila ang bawat Pilipino na patuloy na tangkilin at pagyamanin ang sariling pambansang panitikan.

“Patuloy sana nating tangkilikin at pagyamanin ang ating pambansang panitikan. Makiiisa po tayo sa pagninilay at pagpapatibay sa mahalagang papel na ginagampanan ng panitikan sa pagtupad sa iisang pangarap na nagbibigkis sa atin: isang maunlad, makatarungan, at mapayapang bansa,” saad ng Korte Suprema.

“Tunay ngang mabisang kasangkapan ang panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa ating bayan. Saksi ang kasaysayan ng ating bansa sa kung paanong nagsisilbi ang panitikan bilang larangan sa pagtalakay sa mga suliraning hinaharap ng lipunan, tulad ng kahirapan, pang-aapi, at kawalan ng katarungan,” anila.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Dagdag pa ng Korte: “Sa pamamagitan ng panitikan, lumalalim ang ating pag-unawa sa ating sarili at sa mundong ginagalawan natin. Tumatalas ang kakayahan nating makita ang sarili sa kalagayan ng iba.”

Bukod sa Korte Suprema, nauna nang magbigay ng mensahe sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senate President Juan Miguel Zubiri at, President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa naturang pagdiriwang.

MAKI-BALITA: PBBM sa Buwan ng Panitikan: ‘Nawa’y maipanday natin ang isang Bagong Pilipinas’

MAKI-BALITA: Zubiri, buo ang suporta sa pagpapalaganap ng Panitikang Pilipino

MAKI-BALITA: Romualdez, hinikayat ang publiko na pagnilayan ang mga aral ng panitikan