Nagsalita na ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kaugnay sa petisyon ng madla na itanghal siya bilang National Artist.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Abril 8, sinabi ni Regine na na-appreciate umano niya ang panawagan ng mga tao pero hindi pa raw niya panahon para sa naturang parangal.

“Parang nahihiya ako. There are more artists who are more qualified. I don’t think I’m qualified yet,” pahayag ni Regine.

“I want Pilita Corrales to be a National Artist. Jose Mari Chan. Hindi ko pa panahon ngayon. So huwag na muna. Meron pang mas qualified sa akin,” aniya.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Dagdag pa niya: “Those are the people who should be in there, at sana malagay sila dun habang buhay pa sila para ma-enjoy nila.”

Matatandaang kamakailan lang ay nag-trending si Regine dahil maraming netizen ang naniniwala na panahon na raw para hirangin siyang National Artist dahil sa talento at ambag nito sa larangan ng music.

MAKI-BALITA: Regine Velasquez, bet gawing National Artist