Kinaaaliwan ngayon ang video ng netizen na si Rafael Aaron Molina matapos niyang maranasan ang “suntok” ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Sa isang TikTok post, ibinahagi ni Molina ang isang video kung saan nanghingi siya ng isang jab kay Pacquiao nang makita niya ito sa isang event.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

“Sir Manny isang jab lang dito (turo sa pisngi),” sey ni Molina sa pambansang kamao na agad naman siyang pinagbigyan.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Molina, naisipan niyang magpa-jab sa pambansang kamao para makuha ang atensyon nito pero hindi niya raw inaasahan na pagbibigyan siya nito.

"Opening po ng MPBL at nandoon po ako para sumuporta sa team Pangasinan at s'yempre nagbabakasakali na nandoon ang aking iniidolo simula bata pa lang ako," kuwento niya.

"Naisipan ko magpa-jab kasi gusto ko makuha attention niya [Pacquiao] at s'yempre para memorable talaga 'yung moment na 'yun, naisipan ko magpasuntok.

"Pagkasuntok niya sa akin nagulat ako kasi without hesitation ginawa agad ni Sir Manny. Sobrang saya ko. Dream come true na 'yung makapagpapicture kay Sir Manny pero 'yung masapak ka niya kahit masakit magpapasalamat ka talaga," dagdag pa niya.

Samantala, kwelang nag-comment ang netizens sa naturang post ni Molina.

“bat parang malakas pa din kahit controlled hahaha”

“bat parang iiyak kana pre”

“bat ganon parang malakas padin impact, kitang kita sa mukha mo haha”

"Hoy parang malakas yun ha HAHAHAAH”

“atleast ma kkwento nya sa apo nya na minsan sa buhay nya nasuntok sya ni manny”

“Parang nayanig pa din yung ulo mo boss haha”

“What if nilakasan nya.. makangiti kapa kaya?”

“hindi nanagisip e suntok agad HAHAHHA gulat ka tuloy”

“he did not even hesitate 😭”

“hindi manlang nag-alinlangan si sir manny na sapakin ka HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHA”

“Ngayon lang ako nakakitang nag thank you pa pagtapos suntukin”

“Tawa now, lagay ng yelo sa mukha later 😂😂”

Habang isinusulat ito, umaabot na sa 443.8K likes, 7698 comments, at 53.7K shares ang TikTok video niya.