Nagbigay ng kaniyang puna ang direktor at writer na si Ronaldo Carballo sa paraan ng pag-arte ni Kapuso actress Liezel Lopez, na napapanood sa "Asawa ng Asawa Ko" at gumaganap na "young Rita Avila" sa panghapong seryeng "Atty. Lilet Matias at Law" sa GMA Network.

Ani Ronaldo, hindi niya kilala si Liezel pero nakikita lang niya ang aktres sa mga trailer ng teleseryeng kinabibilangan din nina Rayver Cruz, Jasmine Curtis Smith, at Joem Bascon, na inilarawan naman niya bilang teleseryeng "nakabibingi ang ingay sa sigawan."

"I don't know her."

"I don't even watch her."

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"Nakikita ko lang sya sa trailer ng Teleseryeng nakabibingi sa ingay ang mga sigawan, "Asawa ng Asawa ko" which I don't watch, either."

"Sigaw nang sigaw itong Liezl sa bawat eksena sa trailer."

Sa trailer pa lang yun ha.

How much more sa actual Teleserye?"

Napanood niya si Liezel sa pagganap nito sa seryeng pinagbibidahan ni Jo Berry, nang gumanap ito bilang young Rita Avila. Aniya, tila hindi raw matched ang karakter ni Rita sa karakter ni Liezel. Baka raw magkaibang direktor ang kumuha ng eksena sa dalawa. Pakiramdam daw ng direktor ay nangangarap magkaroon ng acting award si Liezel sa paraan nito ng pag-arte.

"Sigaw-sigaw sya nang walang patumangga.

Pag inter-cut kay Ms. Rita Avila, napaka-cool ng personality. Napakabanayad mag-dialogue.

Di nagma-match.

(Baka magkaibang unit Directors ang nagdirek sa magkaibang eksena at artista).

Parang wala nang bukas kung umarte yung Liezl at halatang nangangarap ng Best Actress award.

Sorry, iha, hindi ka magiging Best Actress sa puro uncontrolled shouts acting na walang kaemo-emosyon, kundi puro bungangang very irritating & annoying performance," aniya.

"I wonder, kung paano syang hina-handle ng dalawang magkaibang mga Direktor ng dalawang magkaibang Teleserye.

Good for her, sinu-support sya ng GMA7 as a Sparkle contract artist.

Pero hanggang saan sya dadalhin ng iisang dimension acting?

Puro sigaw on top of her voice!

Nakakabingi sya talaga!

Magkaibang dalawang Teleserye; Isang panghapon at isang pang-gabi.

Different characters that she is portraying.

Same treatment.

Same attack.

Walang patumanggang sigaw.

Nakakaloka sya!"

Pagpapatuloy pa ng director-writer, "Can someone tell Liezl na ang tamamg pag-arte ay di puro sigaw.

There such thing as a subdued acting.

Mas effective ang controlled & quiet acting at times, lalo sa magkaibang character at eksenang pinu-portray mo ngayon sa dalawang Teleserye, Ms. Liezl Lopez.

Hindi komo nagsisisigaw ka at ngumuynguyngoy ka nang walang luha, feeling mo ang galing-galing mo na.

Mali.

Maling-mali.

Manood ka ng mga aktres na tahimik umarte, matututo ka ng tamang uri ng pagganap.

Mas nadarama sa puso.

Mas moving, kesa sa sigaw ka nang sigaw nang walang wawa.

Na tulad ng acting mo, Ms. Liezl, ay very fake & superficial."

Ginawang halimbawa ni Carballo ang ilang mga aktres na kasabayan daw ni Liezel ngayon, na siyang panoorin niya at gayahin, gaya nina Ivana Alawi ng "FPJ's Batang Quiapo," Kim Chiu, Kaila Estrada, at Heaven Peralejo sa "Linlang," at Belle Mariano sa "Can't Buy Me Love."

"Objectively, I wish you could watch the kind of acting in the Teleserye ng mga ka-henerasyon mong tunay na mahuhusay na aktres... Learn from them," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag si Liezel o ang pamunuan ng teleseryeng kinabibilangan niya tungkol dito.