Binulabog ni Jericho Rosales ang social media matapos niyang i-flex ang kaniyang bakasyon sa isang beach at ibilad ang kaniyang magandang katawan.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

View this post on Instagram

A post shared by Jericho Rosales (@jerichorosalesofficial)

Sey tuloy ng mga netizen, may dugong "bampira" yata si Echo dahil parang hindi raw ito tumatanda, at sabi nga, parang alak daw na habang tumatagal ay lalong "sumasarap."

Batay sa hula ng mga netizen sa lokasyon ngayon ng aktor, mukhang nasa El Nido, Palawan daw ito.

"Vampire ata to, never gets old hayyy location pls?"

"lalo mo pinapainit sa pilipinas papa echs"

"Hala grabe bakit ang sarap pa rin ni Echo hahahaha."

"Hi to my ultimate forever crush!"

"Grabe, bakit parang di tumatanda si Echo? Actually 'yong batch nila. Even Diether Ocampo and Piolo Pascual, ganiyan din."

Samantala, iniisip naman ng mga netizen kung sino ang kasa-kasama ni Echo sa bakasyon at kumukuha ng video sa kaniya.

May mga todo-reto naman kay Echo kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo, na kamakailan lang ay kinakikiligan dahil sa sightings na magkasama sila sa jogging, at sa madalas na pagre-react at komento ni Echo sa posts ni Kath.

"Jericho and Kath"

"Bagay kayo ni Kathryn!"

"Sana kayo ni Kathryn ang endgame!"

"Ikaw nalang at s kath kuys"

"Ay akala ko lalabas si Kath. eme"

"Hmm I think he's bagay naman with Kath for just a movie, maybe a masculine kind of mature role. I would love it to watch if ever but I think typical filipino viewers are not ready pa to watch Kath for mature roles with ofcourse a mature man like Echo. And also we don't forget Alden bagay din naman siya kay Kath actually, any of the two is pasok for me as a viewer and a fan of them."