Matapos ma-bash nang bonggang-bongga sa mga nasabi niya sa podcast tungkol sa isa sa "toxic Filipino culture" na pagtanaw ng utang na loob ng mga anak sa mga magulang, na umaabot na sa puntong nagiging obligasyon na ang pagtulong sa kanila sa pagtanda, naglabas ng pahayag si Dani Barretto upang klaruhin ang ilan sa kaniyang mga ideya.
Sa isang Facebook post noong Biyernes, Abril 5, sinabi ni Dani na huwag i-twist o baluktutin ang kaniyang mga sinabi.
"STOP TWISTING MY WORDS," panimula niya.
"Never ko sinabi na wag niyo mahalin mga magulang niyo, THAT IS SO TWISTED. Saan nanggaling yun?!!! And never ko sinabi na wag niyo sila tulungan. My god! Seriously napaka layo niyan sa mga sinabi ko. Watch the full episode to understand what I REALLY SAID. Its okay to disagree to what I said, but to twist my words and create a totally different story?! I WILL NOT LET THAT PASS."
Sa latest Facebook post naman ni Dani nitong Sabado, Abril 6, I don’t understand why something so simple and came from a place of love and concern blew out of proportion. But I guess that’s just how the world works nowadays. This is to address the UTANG NA LOOB statement that was posted on the Bare It All Tiktok Page, and some media & news outlets."
"I was only addressing one group of people on that statement, which is the Filipino parents who guilt trips, forces, sinusumbatan mga anak nila, obligates and requires their children to provide for them and uses the word UTANG NA LOOB as a weapon to get what they want. Not the word utang na loob in general. Never ko po sinabi na wag kayo magtanaw ng utang na loob sa mga magulang niyo, never ko din sinabi na wag niyo sila alagaan. Ang point ko lang po is that I think its unfair na gamitin ang word na utang loob sa isang bagay na dapat naman talaga ibigay or i-provide ng bawa’t magulang para sa mga anak nila. Such as (food, schooling, roof over their heads) ang pagtanaw ng utang na loob comes naturally to people, para saakin hindi mo dapat yun pinipilit or sinusumbat. Kusa po yun binibigay dahil mahal po natin ang mga magulang natin. "
"kung pinanuod niyo po yung buong episode, maiintindihan niyo yung statement."
"Please stop twisting my words. Try to watch the episode first before you judge me and my character."
"I will never tell people to not love their parents, and not give back or take care of them. I love my mother more than my life, and I will spend the rest of my life giving back to her and spoiling her," aniya pa.