Isang netizen ang tila nanghinayang kay international singer Jake Zyrus dahil "sinayang" daw nito ang pagiging "Charice Pempengco" na unang minahal at hinangaan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ibinahagi sa Facebook page na nagngangalang "EMAN" ang maiksing video ng performance ni Jake habang nasa isang gig sa ibang bansa.
Mababasa sa comment ng isang netizen, as is published: "Sayang ka charice para kanang si berting labra ngayun."
Mapapansing 2.5k laugh at like reactions ang makikita sa komento ng netizen.
Mukhang marami pa rin ang hindi maka-get over at maka-move on na ang dating Charice Pempengco ay si Jake Zyrus na ngayon.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa mismong post.
"Kala ko si andrew e hahaha peace"
"Hahahaha! korek! Berting Labra is in the Hse!"
"Berting Labra is a legend for all we know."
"Salamat Ng dahil sayo akoy binuhay mong muli amen"
"Kamukha pala ni Charice Pempengco si Mang Berting Labra , mag tatay po ba sila ?"
Ngunit sino nga ba si Berting Labra?
Si Berting o Roberto Labra ay isa sa mga naging child star hanggang sa naging beteranong aktor mula 1953 hanggang 2009, na kadalasang napapabilang sa mga pelikulang ang genre ay comedy, drama, o action. Ang nakadiskubre sa kaniya ay si Fernando Poe, Sr., ang ama ni Da King Fernando Poe, Jr. o FPJ, noong siya ay anim na taong gulang.
Nang pumanaw si Poe Sr., si FPJ naman ang nakasama niya sa mga pelikula nito. Minsan na siyang napangalanang "Mickey Rooney" at "Bobby Breen" ng Pilipinas, ang ilan sa Hollywood Child Wonders noong 1940s.
Sa kaniyang karera, nagkaroon din siya ng dalawang parangal sa FAMAS. Isa ay bilang Best Actor sa pelikulang "Ano Ba Choy?" noong 1962 at Best Supporting Actor naman para sa "Lumuluhang Komiko" noong 1964.
Pumanaw si Labra sa gulang na 75 noong Pebrero 10, 2009 dahil sa emphysema o isang chronic lung condition.