Sinaluduhan ng mga netizen ang isang "JoyRide Superapp" rider matapos siyang purihin at i-flex ng kaniyang naging pasaherong nagngangalang "Cielo Austria" dahil sa ginawa nito sa kaniya habang bumibiyahe.

Kuwento ni Cielo sa kaniyang Facebook post, bigla na lamang daw siyang napaiyak habang nakaangkas sa motorsiklo ni "Rommel Repia" matapos niya itong i-book.

"On my way to work last night I booked a Joyride ride and Kuya Rommel was my rider. Overwhelmed with obligations in life, naiyak na lang ako habang bumabyahe kami," aniya.

Hindi raw niya namalayang napalakas pala ang kaniyang hikbi, at narinig ito ng rider. Huminto raw ito sa sidewalk at kinumusta siya.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

"I didn't notice I was sobbing that hard kasi I had my earbuds on until Kuya Rommel stopped on the sidewalk and asked: 'Mam,okay ka lang?'"

"'Anong problema mo, Mam?'"

"Non- verbatim 'Kahit di tayo magkakilala Mam, labas nyo lang sama ng loob nyo. Makakagaan yan.'"

"'GUSTO MO PAKILALA KITA KAY JESUS CHRIST?'"

"He tried his best to comfort me."

Bukod dito, sinabi raw ni Rommel na ipagdarasal niya ito. Kaya habang nagmamaneho ang rider ay umuusal ito ng panalangin para sa kaniya.

"'Cielo,pangalan nyo maam noh? Pagppray kita,okay lang? Makinig ka lang,maam.'"

"Then he prayed over me while driving."

Nang makarating daw sila sa destinasyon ay tinapik pa raw ni Rommel ang kaniyang balikat.

"His concern was so pure and genuine."

"Hanggang sa makababa ako, he even tap me sa shoulders to calm me down."

Kaya mensahe ni Cielo kay Rommel, "Maraming salamat po, Kuya Rommel. May the 'Kagalakan sa buhay' that you prayed for me happened to you as well in a thousand folds."

Sa comment section ay tumugon naman dito ang sinasabing misis ni Rommel na si "Redjurie Repia."

"Thanks maa'mm cielo," aniya.

Marami naman sa mga netizen ang nag-search sa social media account ni Rommel.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Nakasakay na din ako sa Joyride before pasakay pa lang ako sa kanya may inabot sya saking laminated na prayer tapos nagdasal at kung ano pang salita ng dyos yung binigay nya sakin QC to makati tapos down na down ako nung time na yun yung binigay nya sakin i always bring it with me."

"same experience with Joyride. year 2022, I booked a joyride on the way to the hospital kasi na stroke mother ko. tinext pa ako ng rider and I still keep his messages."

"I-appreciate natin yung mga ganitong tao. yung kahit di tayo kilala at di alam ang pinag dadaanan natin, nagagawa tayong ipag pray ❤️ Thank you Ms. Cielo for sharing this. Minsan kasi nakaka sad yung ibang tao tinatawanan or kala nila joke yung mga ganto eh."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 15k shares at 522 comments ang nabanggit na viral Facebook post.