Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng isang foreigner vlogger na si "Saygin Lost" matapos niyang ibahagi ang ginawang "overcharging" sa kaniya ng isang tricycle driver sa Chinatown, Binondo, Maynila.
Kuwento ni Saygin sa pamamagitan ng Facebook reel, siningil daw siya ng ₱2,000 kahit malapit lang ang destinasyon niya. Ngunit alam ng dayuhan na masyado na itong pinatungan kaya nagkatawaran sila, hanggang sa nabatak niya ang presyo sa mas mababang halaga. Sinasabi pa raw ng tricycle driver na siya raw ang nag-offer na magbabayad siya ng ₱1,000.
"This little rat claims I offered him 1000 pesos for a ride. That is absolutely a lie. why should I do this? I told him that he should drive me to a place where there are market places, meaning places like a bazaar. While driving he said to me, pay, pay! I then asked him how much and he said 2000 pesos. So when we arrived he said 1500 pesos and then he went down to 1000 pesos then to 500 and then he stuck to his price again which he said before getting in was 150. Because he drove me the wrong way I still gave him 200 pesos But he didn't want to accept it and asked for 250 pesos. I then gave 250 pesos and you couldn't miss his grin. I felt scammed and uploaded it," mababasa sa kaniyang comment section.
Ipinakita rin sa video na nagtanong siya sa isang tindera at sinabi nitong too much o overcharged nga ang singil sa kaniya ng tricycle driver. Pinayuhan pa siya ng tindera na dapat, lagi siyang may barya habang nagbabakasyon sa Pilipinas.
Nang dahil dito, marami ang nagalit sa tricycle driver dahil ipinahiya raw nito ang Pilipinas.
"This is so true I’ve been experiencing the same thing Last 2 nights Lang nga Sabi Sakin 60 pesos mga 400meters away pag dating ko sa 711 nako 260 siningil napaka buraot so sad kawawa naman kami mga sumasakay."
"nakakahiya."
"Minsan, sa mga ganitong ugali, nakakahiya tuloy maging Pilipino."
"Maraming manggagantso at oportunista talaga, kaya ingat!"
"Pinapahiya mo ang pinas, vlogger pa nman maraming nakakakita sa kasakiman mo...buti nga sayo..."
Ngunit tila nalipat naman ang pagkadismaya ng netizens nang mabasa ang disclaimer ng foreigner na ang kuwento raw ay "fictitious" o gawa lamang ng imahinasyon.
"Tricycle Driver Scammed Me In Manila 🇵🇭 #manila #scammer #overcharging," aniya sa caption.
"Hop on for a wild ride through Chinatown, where I'm vibing with a tricycle driver trying to hit up a sick marketplace vibe. But dang, negotiations go sideways and I get straight-up scammed. *The story, all names, characters, and incidents portrayed in this production are fictitious," aniya.
Kaya naman, ilan sa mga netizen ang nagsabing hindi tama ang ginawa ng dayuhan dahil tila napagmukha nitong "masama" ang tricycle drivers sa Pilipinas.
"IF IT IS TRUE, YOU MUST NOT DO THAT TO PINOY COZ WE ARE ALWAYS BEING HOSPITABLE AND KIND TO FOREIGNERS!!! And exposing the driver's identity is another thing, because of your video the driver's only way of living is now seriously affected. I might as well edit this comment coz some misunderstood my POV and the author of this reel deleted some of the informative comments. And READ ALL MY COMMENTS/RESPONSES BEFORE BLABBING."
"The filipino that scammed you claims that most of the clip got cut out and he also stated that you're the first one to offer him 1000 pesos for a tricycle ride and he also stated that he thought you only did that for content that's why he acted that way. (I translated what the guy said in the news)."
"Mabuti pa magpa-interview silang pareho so we can hear both sides."
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng isyu sa pagitan ng isang turistang dayuhan at Pinoy na tricycle driver pagdating sa overpricing overcharging ng pamasahe.
MAKI-BALITA: Australian vlogger niloko ng tricycle driver sa Maynila; Pinoy netizens, nahiya