Napurnada ang blessings na paparating sa buhay ni Ramil Albano, ang lalaking nagpa-tattoo sa noo ng brand ng Taragis.

Sa video statement na inilabas ng owner ng naturang takoyaki store nitong Sabado, Abril 6, isiniwalat ni Carl Quion ang kabuuan ng donasyong natanggap ni Ramil matapos mapag-usapan ang pagkasa nito sa challenge.

Ayon kay Carl, taliwas sa unang computation ng isang netizen na umabot ng ₱ 1,366,000, pumalo lang umano sa mahigit ₱200,000 ang nakuha ni Ramil.

“Ang total cash na nakuha ni Tatay dito e umabot din naman ng ₱200,000. Gusto ko lang linawin na wala akong hati o binawas sa donasyon na natanggap ni Tatay Ramil,” lahad ni Carl.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

“Ang lahat din ng natanggap niya ay puro personal na tulong lamang din para sa kaniya at para sa anak niya na may down syndrome,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Isa pa, ang lahat ng pera ay ibinigay sa kaniya nang personal lamang. Walang gcash o iba pang klaseng transaction.”

Samantala, sa isang bahagi ng video, kinumpirma ni Carl na isa lang umanong marketing stunt ang pakulo na ginawa nila noong April Fools’ Day. Nagpasalamat din siya at humingi ng tawad dahil sa nangyari.

MAKI-BALITA: Taragis, inaming scripted ang pakulo noong April Fool’s Day

MAKI-BALITA: Lalaking ‘kumagat’ sa April Fools’ post ng takoyaki store, inulan ng blessings

MAKI-BALITA: Rosmar, sagot na ang P10K ng lalaking kumasa sa April Fools’ post

MAKI-BALITA: Lalaking kumasa sa April Fools’ post, ginawa prank para sa anak na may ‘Down syndrome’

MAKI-BALITA: Para sa ₱100K: April Fools’ post ng takoyaki store, tinotoo ng isang lalaki