Nagbigay ng pahayag ang aktres at mommy na si Jessy Mendiola kaugnay sa pagpasok sa politika ng kaniyang mister na si Luis Manzano.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Abril 5, sinabi ni Jessy na hindi pa raw niya masasagot ang tanong sa kaniya ni Boy Abunda at ng iba pang tao.

“Will Luis get into politics?” usisa ng Asia’s King of Talk.

“Maraming nagtatanong sa akin kung tatakbo ba siya [...] and as of now I cannot answer yet. But siguro kung before ‘to noong mag-girlfriend, boyfriend pa lang kami I would say na, actually sinabi ko talaga ‘to, Tito Boy,” saad ni Jessy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Sabi ko sa kaniya: ‘Pag ikaw tumakbo, hihiwalayan talaga kita!’ Kasi I know naman it’s for our country, it’s for the Filipino. But for me kasi, I kind of grew up in showbiz. And you know, showbiz is a different world. And politics also is another different world,” aniya.

Dagdag pa niya: “So, parang for me ‘di ko alam kung paano ko i-handle ‘yon. But you know, at this point, now that I’m married to him and also I’ve been with sila momskie and Tito Ralph I’ve seen–mas lalo na no’ng pandemic—kung paano ‘yong public service nila.”

Kaya naman, kung sakali raw na tatakbo si Luis para makakuha ng posisyon sa gobyerno, nakahanda raw siyang suportahan ang mister.

“If ever man he’s gonna run, sinabi ba naman ako para ipagkait sa kaniya ‘yong gano’ng parte ng buhay niya?” saad pa ni Jessy.

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita tungkol sa pagpasok ni Luis sa politika sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Marso 24. In fact, naghayag pa nga ng suporta sa kaniya ang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, papasukin na rin ang politika?