Usap-usapan sa X ang post ng isang netizen matapos niyang pabirong sabihing baka sitahin na naman daw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ABS-CBN noontime show na "It's Showtime," matapos performance ni Unkabogable Star Vice Ganda para sa unang araw ng pag-ere nila sa GMA Network main channel (Channel 7).

Makikita kasi na tila nakaupo si Vice Ganda sa logo ng GMA Network na nasa bandang tuktok ng GMA building.

Pabirong hirit ng netizen na nagngangalang 'Sergio,' "DI PINA-PRIORITIZE ANG SAFETY!"

"Lagot na naman ang It’s Showtime sa MTRCB."

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

"#ShowtimeSanibPwersa #ShowtimeSaGMA"

Ngunit ilang mga netizen naman ang tila sineryoso ang hirit ng netizen dahil inaway nila ito. Anila, tiyak daw na "CGI" o computer-generated image lang ito at masyado naman daw sineryoso ng netizen.

Buwelta naman ng uploader. "Dahil sa ganitong comments ng mga talinong talino sa sarili at pinaglihi sa sama ng loob, sabihin ko na po na SARCASTIC ang tweet ko sa taas."

"Kelangan ko pa talaga i-explain?"

[embed]https://twitter.com/jownuss/status/1776458384704954635[/embed]

[embed]https://twitter.com/jownuss/status/1776501934763229296[/embed]

Anyway, tama naman ang mga netizen na mukhang CGI lang ito, at for sure, uunahin muna ng dalawang network ang safety at kapakanan ng mga artista at production team nila, dahil literal na buwis-buhay performance talaga ito kung sakali.

All well naman si Vice Ganda at iba pang hosts sa nangyaring historic event na ito sa kasaysayan ng telebisyon. Sino nga naman ba kasi ang mag-aakalang isang araw, mapapanood ang Showtime sa GMA Network na dating okupado ng "Eat Bulaga!" na nasa TV5 na ngayon.